Revamped my layout a bit. Tried to make it more simple but with the same colors as the old one. I guess I’m not hungry that much. :))
To my UE friends, classmates, professors, and to all concerned, please read. :)

Revamped my layout a bit. Tried to make it more simple but with the same colors as the old one. I guess I’m not hungry that much. :))

To my UE friends, classmates, professors, and to all concerned, please read. :)




After Grad

Warning: Ang post na ito ay sadyang mahaba na may kasamang bitterness, hinanakit at iba’t iba pang emosyon.

Read More




April 25, 2012

Graduation, PICC Plenary Hall. Definitely one of the most memorable days in my life.

Saka na ko magsspeech! :)))))




Torn between dev and design.

Ito na yung pinaka-matagal kong hinihintay, yung makapagtrabaho pagkatapos mag-aral.

Andito na ko sa puntong naghahanap ng mga company, naghahanap ng trabaho. Kaso nahihirapan ako pumili kasi gusto ko maging developer, pero mahal ko yung pagdedesign.

Buti na lang pinili at ginusto kong sa Web magfocus at hindi sa .net pero alam kong kaya ko rin naman mag .net. Alam ko naman yung kakayahan ko eh.. Pero bakit ba kasi pag dating sa web eh may web designer at web developer pa. Bakit and daming sanga? o.o

Dati, kung siguro hindi pa dumadating yung 4th year college (ko sa IT), gugustuhin ko pang maging web designer. Kasi yun pa yung panahong may laman yung tank ng creative juices ko. Nakakapag drawing pa ko, nagawa ko pa ayusin yung layout ko (kahit na pambata yun) at nakakagawa ng hindi related sa acads. Pero dumating yung hell year. Palagi na lang nagccode, palagi na lang thesis. Napabayaan ko na nga yung ibang subjects na hindi related sa thesis eh. Pakiramdam ko, nawala yung lahat ng creative juices ko. Hindi pa ko nakakahawak ng pencil, pambura at papel pagkatapos ng thesis. Hindi pa ko nakakapag drawing ulit. Hindi pa ko nakakapag design ulit. Wala. WALA TALAGA.

Kung pagiging web developer naman, php lang ang alam ko. Wala pa kong alam sa jquery. Siguro kailangan ko muna pag-aralan yung basics non para hindi ako babano bano. :)) Alam kong mas matimbang un left side brain ko kesa sa right side. Alam ko namang mag magaling ako mag analyze ng problem kesa magdesign. Pero kasi… hindi ko alam kung bakit ako natitigilan. Ang dami kong pero, ang dami kong baka…

HINDI KO TALAGA ALAM.

Dev o design?

Design o dev?

o pareho na lang kaya?




Lunes 3/19/12

Ito yung isa sa mga araw na hindi ko alam kung bakit ang sama sama ng pananaw ko sa buhay. Yung araw na gusto kong awayin lahat. Lahat ng nakikita ko sa paligid ko, mali.

Ano to? Ikakasal na ko sa susunod na linggo, tapos malalaman ko na yung pakakasalan ko may nabuntis na iba?

Hutaena. Anong kamalasan to? Sa isip isip ko, gusto ko sumigaw, gusto ko itakwil ang lahat nga tao - lalo na siya.

Read More




Final defense postponed until further notice.

Nung nag-pm sakin si karlo, sabi niya postponed daw yung final defense BUKAS, hindi ko talaga alam kung maiinis ako o hindi.

Nainis ako.

Kasi alam mo yung feeling na ginawa mo lahat para matapos yun, tapos madami kang iniwang responsibilites at opportunities para lang magawa on time - at thank you kay God kasi nagawa mo on time - eh mapopostponed pala.

Yung feeling ng makakapagrelax ka na sana bukas pagkatapos ng defense kahit papano, eh naudlot pa.

Pero pagtingin ko sa news feed ko, madaming nag thank you kasi namove yung defense. Narealize ko na ang selfish ko.

Bigla ko naalala, na kagabi nagdasal ako na sana sa defense, handa na lahat ng grupo. Na sana di kami pabayaan ni God kapag nagdedefense na. Na sana okay na lahat ng grupo.

Ito pala yung sagot ni God sa dasal ko - na madami pang hindi handa kaya inextend pa niya yung oras para makatapos yung ibang grupo. Na para maging successful yung defense naming lahat, kailangan pa ng konting panahon.

God, thank you po. Alam ko namang hindi nyo kami pinapabayaan, at lahat ng ginagawa niyo ay may dahilan. Sorry kung nung una naging selfish po ako.

To God be the Glory!




“… Programmer ka, kaya dapat may paraan. Di pwedeng wala.”

- Mikel

Sobrang stressed na ko kakaisip pano pagaganahin yung natititrang problem sa system. Tapos pag nagsasuggest siya, palagi ko sinasabe na “Hindi pwede…” Pero sasabihin “Imposible, kung kaya ng vb yun, kaya rin ng PHP yan”.

Akala nila ang galing galing ko magprogram. Siguro mabilis lang yung pag-analyze ko sa problem, pero yung sabihing magaling, eh mas magaling pa sakin si Mikel. Utang ko sa kaniya yung alam ko sa vb, yung alam ko sa database connection, yung alam ko sa advanced query at madami pang iba.

Siguro nga pareho kaming IT, pero nasa magkaibang field. Siya, nasa .net ako nasa web. Yung mga bagay na akala ko hindi kaya ng web, siya lang nakakapagparealize sakin na kaya naman pala — na kaya ko naman pala gawin.

Yung mga akala ko mahihirap, siya yung nagpaparealize na kahit na mahirap pa yun, makakaya ko rin. At kung sobrang nahihirapan na ko, break muna, at gawin ulit.

Siya na siguro yung mentor ko sa field ng IT. At thankful ako na yung mentor ko eh si smile. :)




Tuyot.

Nanunuyot na yung isip ko kakaisip kung bakit 

  1. ayaw gumana ng lanyang css para dun sa select at di gumagana kapag nakaincorporate na yung sample code sa system
  2. ayaw magcenter nung header sa printing kahit na margin: 0 auto, text-align: auto, at kung ano ano pang pangcecenter ang ginawa ko.
  3. ayaw makisama ng maliliit na bagay na to?!!

:( Nakakafrustrate. Isang araw ko na ginagawa wala pa rin. Actually dati ko pa to hindi magawa, pinagpaliban ko kasi di ko talaga kaya. Ngayong binabalikan ko na, wala pa rin talaga. :((((((

Sa 20 magpapacheck na kami sa adviser namin ng system. Sa 22 software festival na. Sa 24 deadline ng requirements para sa recommendation.

:( :(((




A breathe of fresh air.

fail Maricris :))))) sumusuntok ng naka ganyan ang paa! :))))

Haduken? (whatever!) — with Danica!

Taw and Danica with very awkward TawFace. :)))

fail jump-and-pose 1. hell-o leg muscles! x) HAHAHA #whataface

semi fail jump-and-pose 2. #whatahair! :))

—-

It’s really nice to be with new friends - to have a new circle of friends. It’s good to hear stories from a different angle, to laugh at shitty stories, to almost-cry on unheard and unshared experience. It’s like a breathe of fresh air. It’s like seeing the world in a different point of view.




karenbalmaceda replied to your post: Pre-orals

HAHAHAH. First question nya samin, “Nagpa check ba kayo sa grammarian?” Sabi ko, hindi po. tapos walang sinabe. Tapos nung nagsusulat na sya sa enhancements, nakalagay, “Question must be view at a time.” HEHEH. gara nya lungs. :))

hahahaha. grabe. nakakainsulto sa part ng estudyante talaga. :))



1 2 3 4 5  Next